Maricel Soriano, masaya para kina Angel at Neil

Sa isang panayam ay naitanong kay Maricel Soriano kung "posible ba siya na maging ninang" sa nalalapit na kasal ni Angel Locsin at Neil Arce.

Ito naman ang kanyang naging pahayag, "Mahal ko si Angel 'no. Kahit sponsor, guest, whatever, I will be there for Angel."


Nagkasama na sina Angel at Maricel sa isang series sa ABS-CBN na "The Generals Daughter" at simula doon ay naging malapit na ang dalawa sa isat-isa.

Tugon pa ni Maricel sa press,  "I want Angel and Neil to be happy. They're good friends of mine and I see them naman very sweet. I just want them to be happy, especially Angel. She deserves to be happy".


Ayon pa niya ay hindi siya magdadalawang isip kung kukunin siyang ninang sa nalalapit na kasal ni Angel at Neil. Wala siyang ibang hangad kundi ang kasiyahan ng dalawa sa kanilang nalalapit na kasal.

"Sinabi ko na sa kanya, 'Sweetheart, there’s nothing like being happy all the time.' It's so hard to maintain happiness, 'yung nandiyan lagi 'yung happiness. Actually, andiyan lang talaga and you just have to, kumbaga sa mga trees, hawiin mo lang andiyan lang siya. Ganyan lang 'yan."