Ginto sa pag-lalaro! Manyan, nabingwit ang ginto

Isang katutubong Mangyan si Mervin Guarte at Proud siya rito, Ito ang naging pundasyon niya upang takbuhin ang daan patungo sa pinapangarap niyang gintong sa Southeast Asian Games Obstacle Course Racing.


Si Guarte ay 7-time SEA Games silver medalist sa midle distance run bago ito kumambyo sa mas maalon na sports na ito. Aniya, “Masayang-masaya po ako dahil napatunayan ko na kaya ko magbigay ng gold sa bansa.”

Hirit pa ng Air Force Member, “Kakaiba po ang samahan talaga namin dito sa asosasyon ng OCR at para talaga kaming isang pamilya. Malaki po ang naitulong noon sa akin dahil mas bumalik ang kumpiyansa ko at lalo akong nagkaroon ng inspirasyon na manalo para sa pamilya ko.”


Nakuha naman ni Sherwin Managil ang silver sa oras na 26:16 sa pagtatapos ng 1-2. Nakatapos din ang Pinas ng ginto at pilak sa pangunguna ni Sandi Menchi Abahan.