May nag viral naman ng isang post mula kay Ray Angelo Fababier na may caption na "Mama I love you too". Parang mahihilot ang puso mo kapag makikita mo ang post na ito. Dito ay makikita niyo talaga na kung paano kawagas ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.
Makikita niyo sa litrato kung paano na kahirap ang sitwasyon ng ina ni Ray Fababier, ngunit sa kabila nito ay nagawa pa niyang ipahiwatig ang kanyang pag mamahal sa pamamagitan ng pag sulat nito ng "Mahal na mahal kita anak" at "Gusto ko makasama ka, nahihirapan na ako pero nilalakasan ko loob ko. I love you," kahit pa tadtarin pa tayo ng pinong-pino ay hindi natin mababayaran ang mga sakripisyo ng ating mga magulang.
Umani ng mga magagandang komento ang post na ito. Maraming netizens ang naantig pagkakita nila sa litrato nilang mag ina. Halos karamihan ay dasal at mensaheng pag-bibigay ng lakas ng loob ang mga komento dito. At para sa mga anak na nabubuhay pa ang mga magulang, bigyan niyo ng halaga ang inyong ama at ina habang may pagkakataon pa.
Ipakita niyo na kung gaano niyo sila kamahal kasi pag sila ay pumanaw na, kahit gumiling-giling pa kayo at sumigaw na mahal niyo sila ay balewala na ito. Hindi na nila maririnig at hindi na rin mararamdaman ang pagmamahal na gusto niyong ibahagi para sa kanila.
0 Comments