Isang kilalang boxingero si Floyd Mayweather Jr. na may record na 50-0. Ayon sa Urban Dictionary ay siya rin ang nagpa uso ng TMT abbreviation na ang ibig sabihin ay "The Money Team" upang mag bigay ito ng inspirasyon sa iba na kaya din nilang kumita ng pera.
Tinatayang nasa $1 bilyon ang networth nitong si The Money Mayweather. Sa pinaka bagong post nito sa instagram ay pinakita nito ang kanyang watch collection. Hindi basta-bastang relo lang ang mga ito. Billionaires Watch ang lebel ng relo nito na nagkakahalaga ng $18 million dollars mula sa manufacturer na Jacob and Co.
Hindi ka nga talaga magtataka dahil sa tadtad ito ng mga diyamante na tumitimbang ng 1.5 carats ang bawat isa. Mayroon pa siyang Richard Mille Watch na nagkakahalaga ng $620,000 dollars, Patek Phillip Nautilus na nagkakahalaga ng $350,000 dollars at mga simpleng relo na nagkakahalaga ng $150,000 dollars. ANO!? Ganun ang mga presyo ng mga simpleng gamit ni Flyod Mayweather Jr.?
Tama lang din naman yun, sa buong karera niya bilang boxer ay hindi din basta-basta ang mga napag daanan nito. Kaya dapat lang din regaluhan niya ang kanyang sarili ng Luxury Gifts. Dapat din naman regaluhan natin ang ating sarili sa abot lang ng kaya natin. Tulad nitong si The Money Mayweather, kaya niyang gumastos ng ganung halaga. Syempre yung best na ang bibilhin niya.
2 Comments
Wevcessi_tsu Tiffany Martinez https://wakelet.com/wake/eDvqe_cXytth0GhN0FN5f
ReplyDeleteuntirekvau
primatpers-n_1988 Preston Mitchell Free Download
ReplyDeletearcoupsithum