Umaalingawngaw ngayon sa social media ang tungkol sa umanoy mga natamong pasa si Angel Locsin sa shoot ng The Generals Daughter na magtatagal na lamang ng dalawang linggo.
Sa mga action scene ay ayaw ni Angel kumuha ng double, nakakabilib kasi gusto niyang maranasan ang action scene at ang nakakatuwa ay nagaganapan niya ito ng maayos at eksakto.
Kumakalat ngayon ang litrato ni angel na may mga pasa siya. Ito ay nakuha niya sa mga action shoot. Napaka lakas ng loob ni Angel, hindi lang maganda at mabait. Kundi napaka talentadong aktress pa.
Maraming mga netizens na nag-aakala na ang pag aartista ay ganun lang kadali. Buhay glamoroso at easy-easy lang. Para sa kaalaman ng lahat, kahit nga ang 10 seconds na movie or serye appearance ay minsan umaabot ng dalawang oras kapag hindi mo nakuha ang panglasang akto ng direktor.
At dahil sa mga photos ni Miss Angel na may mga pasa ay maraming fans nito ang mga nag-aalala.
0 Comments