KC Concepcion, todo suporta ang ama na si Gabby Concepcion

  • Nagkaayos na ang Mega Star Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ano kaya ang masasabi ni Gabby tungkol sa mga kumakalat sa social media na photos ng kanyang anak na si KC?



Nag kwento naman si Gabby tungkol sa madalas na pag-uusap nila ng anak na si KC kahit nasa abroad ito ngayon. "Happy naman siya, recently nag-usap kami because of her new commercial. Ako 'yung una niyang pinagpadalhan ng video," pahayag pa ni Gabby.


Sa dalas nilang mag-usap ay talagang open na ang dalawa sa isat-isa, kaya't hindi na bago sa actor ang mga pinagdadaanan ng anak , lalong-lalo na sa buhay pag-ibig nito. "'Yun ang maganda sa buhay e, it's unpredictable. Life is full of challenges; sabi nga nila maraming hurdles. And again, ito na naman tayo sa mga hurdles ng buhay; hindi lang naman siya, lahat tayo," saad pa ng actor.


Hindi naman nagkukulang si Gabby sa pag payo sa kanyang anak. "Katulad nga ng sinasabi ko dati pa, ang importante lang happy siya. Hindi ko naman makakasama sila 'pag nasa bahay, sila sila lang 'yun, kung saan siya happy, doon rin ako."


Minsan na rin daw nakilala ni Daddy Gabby ang nakarelasyon ng anak nitong huli na si Pierre Plassart at siyempre bilang ama ay hindi nawawala ang mga pagpapayo. Napaka importante talaga sa isang ama na masaya at maayos ang kanilang anak.

Post a Comment

0 Comments