Para sa mga hindi pa nakakakilala kay Basel. Siya ay isang youtuber na may youtube chanel na "The Hungry Syrian Wanderer". Halos karamihan sa content niya ay patungkol sa bansang Pilipinas o mga pilipino. Madalas siyang makikitang nag aabot ng mga tulong sa kalye at ini-endorso ang mga lokal na pagkaing pinoy.
Naging usap-usapan nanaman ulit sa social media itong si Basel ng bigyan niya ang isang empleyado niyang pinay na umano dating OFW. Kung isa ka sa mga subscriber niya ay makikita niyo kung papaano niya tratuhin ang pinay na ito. Hindi bilang empleyado kundi bilang isang pamilya na ang kaniyang trato dito.
Bakit nga ba niya mahal ang bansang PILIPINAS? Ayon sa isang interview ay noong nasa Syria pa siya ay maayos ang kanilang pamumuhay doonm. Ngunit noong nagka gera ay nasira lahat at nagkahiwa-hiwalay silang mag pamilya at dito si Basel ipinadala ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
Hirap siya sa una at dalawang buwan niya dito. Adjustment stage ika nga. Pero dahil sa pag mamahal na binigay ng ibang pinoy ay medyo napapagaan at nababawasan na yung hirap naramdam niya.
Nagkaroon siya ng mabuting mga kaibigan na pinoy at ibang lahi na rin na nag aral dito sa Pilipinas. Natuto na din siyang mag salita ng English at Tagalog.
Dahil dito, bilang kanyang pasasalamat sa mga pilipino ay ibinabalik din niya ang pag-mamahal sa ating kapwa pinoy.
0 Comments