Matinding pag hands-on na pamamalakad ni Yorme Isko Moreno sa bayan ng Maynila, simula noong siya ay naluklok sa pwesto bilang Mayor. Talaga nga naman walang masasabi sa kanya kundi ang "Saludo kami sa iyo Mayor!"


Sa ilang buwan pa lang niya sa pwesto ay napakarami ng kalsada at lugar na naging malinis at maluwang. Mga side walks na dating carinderia at ginawang parkingan ng mga pribadong sasakyan ay ngayon nadadaanan na ng karamihan.


Ngunit may mga tao talaga na ayaw sumunod sa gobyerno. Kaya naman may mga netizen na nag reklamo kay yorme na maymga kalsada na patuloy pa rin ang obstruction sa kabila ng panawagan ng DILG na ibigay sa publiko ang kalsada.


“Gusto mo pasikatin kita chairman… taga-Antipolo St. ka bahala na kayo mag-isip mahaba naman ‘yun e,” saad ni Yorme Isko. Ayon din sa kanya na marami daw sinasabi laban sa kanya ang nabanggit na chairman.


“Sabihin mo nga sa akin kung mali ang magsaayos ng obs­truction, mali ba ang isinasagawa naming pagsasaayos, kung ayaw mo magtrabaho, mag- resign ka na at umalis ka sa Maynila,” dagdag pa ni Yorme.