Siguro naman ay kilala niyo na si Basel ng The Hungry Syrian Wanderer, ang Syrian national na mas pinili na dito sa pinas mamalagi. Sa ganda ng bansa at cultura sa pilipinas ay nabighani ang dating estranghero na ngayo'y minsan ay sumasaklolo sa mga maliliit na tao.
May dalawang tao naman na tinulungan itong si Basel. Mga taong nabubuhay sa pag-titinda sa pag-lalako. Isa na dito ang 66 anyos na street vendor. Binili niya ang lahat ng paninda nito upang maka uwi na si lolo at makapag-pahinga at makasama ang pamilya.
Hindi makapaniwala ang 66 anyos na vendor sa mga nangyari. Ganun pa man ay hindi siya nag samantala, pwede siya mag bigay agad ng presyong nakakalamang siya. Pero ang ginawa niya ay binilang niya ng isa-isa ang lahat ng kanyang paninda kasama si Basel.
Pagkatapos bayaran ni Basel ay kanya ulit ibinalik ang mga paninda sa vendor upang mabenta niya ulit. Talagang gusto lang magbigay nito ng tulong. Bago umalis ang 66 anyos na vendor ay nag paalam siya kay Basel kung pwede ba niyang i share ang ibang paninda sa ibang kakilala. Wow!
Matapos maka alis ni lolo ay may napadaan din na isang lumpia vendor na agad naman pinakyaw ni Basel ang paninda. Noong nalaman ng babaeng vendor na papakyawin ay agad niyang tinawag ang mga tao sa paligid upang kumain ng kanyang paninda. Kung tutuusin ay pwede niya ulit ibenta ang mga iyon kasi bayad na at binigay na ulit sa kanya ni Basel.
Pero hindi ganun ang nangyari. katulad ni lolo ay ibinahagi niya ang Blessings na natanggap niya. Share your Blessings ika nga.
0 Comments