"Ambisyosa" at "Bobo" kung siya'y tawagin, sa sobrang KABOBOHAN ay "TATLONG KURSO ANG TINAPOS NG SABAY-SABAY" sino ang panis ngayon?

Isang babaeng minamaliot at binubully ang nagpakita ng matinding katatagan at disiplina sa sarili. Bakit "Katatagan?", kasi sa kabila ng mga nakakasakit na sinasabi tungkol sa kanya ay hindi siya nagpa-apekto dito. Bakit "Disiplina?" kasi hindi siya gumanti sa mga nanlait sa kanya at nang bully.


Ang normal na college student ay kukuha ng 4 taon na kurso at kung mag dodoctorate ay tiyak na aabutin ng 9 na taon. Madaling sabihin pero marami sa mga estudyante ay inaatrasan itong ganito. Lalo na ngayon maraming bagay ang pwedeng makapag bigay ng katamaran upang makamit ng isang estudyante ang inaasam na diploma.


Ganun pa man ay wala naman pinipiling edad ang edukasyon kung gusto mo talagang makapag tapos. Kaso nga lang maraming tao sa paligid mo ang mapanghusga at ito din ang iaa sa rason bakit maraming estudyante ang humihinto sa pag-aaral.


Pero iba itong babaeng minamaliit at kinukutya ng mga bullies, pinatunayan niya na mali ang mga paratang sa kanya na 'bobo" at "ambisyosa". Sa kabila ng mga binabato sa kanya ay nakatapos siya ng "TATLONG KURSO" ng sabay-sabay sa loob ng limang taon. Yes! Ang "boba" na tinatawag nila ay tatlong kurso ang tinapos ng sabay!


Binahagi niya ang kanyang storya sa facebook, binahagi niya ang mga napagdaanan niya sa loob ng limang taon sa kolehiyo ang college 5-year tripple degree program. Sinabi din niya na may mga pagkakataon na gustong-gusto na niyang bumitaw. Pero hindi, kumapit pa din siya sa pangarap niya at ngayon tinatamasa na niya ang bunga ng kanyang pagsisikap.


Tinapos ni CATAPANG, WYNONA PAILINE MAGBANUA ang mga kursong "Bachelor of Arts in Mass Communication minor in Development Communication, Bachelor of Science in Psychology, Bachelor of Arts in Guidance and Counseling".

Post a Comment

0 Comments