Libreng almusal para sa mga batang mag-aaral sa Marikina City

Ang pinaka importanteng meal sa buong araw ay ang 'almusal' kaya't hanggat maaari ay huwag natin kaligtaan kumain sa umaga. Ayon kasi sa pag-aaral tungkol dito ay may malaking koneksyon ang may magandang nutrisyon sa magandang school performance.


Noong Octubren16 ay pinangunahan ni Mayor Marcy Teodoro ang pag ibigay ng nutribun na may halong malunggay at  may kasama ring gatas araw-araw, bago mag umpisa ang klase ng mga bata. Mahigit kumulang 21,000 na public school students sa Marikina ang mabibigyan ng libreng almusal araw-araw.


Sa paaralan ng Parang Elementary School ay mahigit kumulang 1,000 na estudyante ang nakatanggap ng libreng almusal. Hindi lang basta bibigyan nila ng mga makakain ang mga batang mag-aaral, kundi susubaybayan din nila ang magiging timbang ng mga ito at ang kanilang school performance.

“Titingnan natin ang kanilang grades at performance after 120 days kung nag-improve sila sa pag-aaral. Ayon kasi sa mga pag-aaral, may relasyon ang tamang nutrisyon sa performance sa pag-aaral ng mga bata,” saad pa ni Teodoro.

Post a Comment

0 Comments