Bago marating  ni The Fighting Senator Manny Pacquiao ang estado niya ngayon ay alam na din natin kung saan at paano siya nag simula.


Galing umano sa mahirap na pamilya itong si Manny, siya ay tubong General Santos at sa mura niyang edad ay nagsapalaran siya sa Maynila upang mag hanap ng mapapasukang trabaho. Mais at kamote lang ang kanyang kinakain upang maibsan ang kanyang gutom.


Pero ang kahirapan din ang nag udyok sa kanya upang mas lalong mag sikap. Hanggang sa napasok niya ang mundo ng Boxing at duon nag simulang bumalimtad ang kanyang tadhana, mula sa nag-hihikahos hanggang sa nakakalulang yaman niya ngayon.


Maliban sa napakalaking mansyon ay may mga mamahalin din siyang koleksyon ng mga sasakyan. "Mitsubishi pajero, The Mercedes Benz SL class, Porche cayenne turbo S, Hummer H2, Ferrari 458 Italia, Lincoln Navigator, M2 Cyclone 12000cc Motorcycle"


Kung inyong nattandaan ay binilhan din niya ang kanyang anak ng mamahaling sports car. Ang lahat ng ito ay katas ng kanyang pag sisikap at hindi pag bitaw sa kanyang pangarap. Habang mas lumalaki ang taglay niyang yaman ay mas lalong nagiging mapagkumbaba itong si Sen. Manny Pacquiao.


Talagang hindi din siya bumitaw sa panginoon sa kabila ng mga nakakalulang pagsubok na dinanas niya bago siya mag tagumpay.