Itinanggi ni dating Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority chief operating office Cesar Montano na ang gobyerno ang gumastos sa pamasahe niya at hotel sa Russia trip ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Dinipensahan niya ang kanyang sarili sa akusasyon na siya at ang iba pang kilalang artista na supporters ni Presidente Rodrigo Duterte ay naka libre ng bakasyon sa russia trip.
“Wala po kaming bayad, hindi po kami binayaran ng gobyerno," saad ni Cesar.
"Kusang loob po kaming pumunta dito para mapaligaya kayo,” sabi ni Cesar sa libo-libong pilipino na nanuod sa kanila sa Moscow.
Kalaunan ay ang nilinaw ng malacaƱang na hindi ang gobyerno ang gumastos sa mga celebrity supporters ng pangulo sa Russia trip.
"The government did not spend for their fare and hotel accommodations," saad ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“With regard to the showbiz people who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid. They have been doing that during the presidential campaign. They just happen to be genuine and rabid fans of President Duterte," dagdag pa nito.
0 Comments