Nag salita si Robin Padilla upang dipensahan ang kanyang mgankaibigan tungkol sa issue na naki-angkas lang ang mga ito sa Russia Trip. Maging ilang mga pulitiko ay naniniwala na umangkas lang nga talaga ang mga celebrity.


Pero hindi ba nila na isip na may mga 'pera' din ang mga ito? Gusto lang ba talagang gawan ng issue ng mga kritiko ang mga ito? Dipensa ni Robin "Binabanatan niyo si Kuya Ipe, si Cesar Monatno, at si Moymoy Palaboy kung bakit sila nasa Russia. "

"At kung sasabihin ng mga bumabatikos na ito na yung mga kaibigan ay binili, nilibre ng pamasahe, hindi po totoo 'yan. Kami ang bumibili ng pamasahe po namin," saad ni Robin.

"Mukha ba kaming walang pera? May pera po kami at yung perang 'yan ay gift sa amin 'yan ng mga taong sumusuporta sa amin," dagdag pa niya.


“At kapag pumupunta po kami sa abroad, kasama namin ang mahal na Pangulo, si SBG Senator Bong Go at ang gabinete, hindi naman po kami nakikisama sa kanila, sa kainan nila, sa kung saan-saan, hindi po."

"Sumasama kami dahil para sa mga Pilipino, tandaan n'yo po iyan. Yung mga Pilipino na nandoon sa Japan, sa Russia kung saan-saan kami nagpunta. Ini-entertain namin ang mga Pilipino ng walang bayad. Naintindihan n'yo iyon?"


Maging ang ilanng mga Pulitiko na bumabatikos sa mga sumamang celebrity ay pinatamaan din niya at kanyang hinamon.

"Hinahamon ko kayo, kahit kayong mga pulitiko na bumabanat sa amin, maglabasan nga tayo ng tax," pahayag ni Binoy.

"Pakitaan tayo, kung sino sa atin ang sumusunod sa batas. Kung sino sa atin ang sumusunod sa patakaran sa Pilipinas."


Ngayon, sa mga binitawang salita ni Robin Padilla. Para sa mga pulitikong bumatikos, may mag lalakas kaya ng loob na pulitko na ipakita ang kanilang tax? Kayo na ang bahalang mag-isip jan.