Penshoppe video ni Lisa: https://youtu.be/sFF7d_qUog0
Kumpirmado na, isang miyembro ng K-Pop girl group na si Lisa Manoban ng BLACKPINK ay ang bagong endorser ng sikat na local brand na Penshoppe.
Inihayag ito ng local faahion brand noong November 6, Miyerkules sa social media sa pamamagitan ng isang video ni Lisa na binabati nito ang kanyang Filipino fans. “Mabuhay, Philippines! It’s me, Lisa. I’m so excited to announce that I am the newest face of Penshoppe.”
“I had so much fun shooting this campaign. I hope you guys love it, too." dagdag pa ni Lisa.
Maraming international na modelo na din ang nag-modelo sa Penshoppe, tulad nila Kendall Jenner, Sandara Park, Zayn Malik, and Gigi Hadid at may mga iba pa.
Ang BLACKPINK ay ang kauna-unahang K-Pop girl group na nagtanghal sa Coachella 2019. Ang 22 anyos na Thai rapper at dancer ay ang pinaka-bata sa kanilang grupo. Hindi lang basta sikat ang kanilang grupo ngayon, dahil kahit mga kabataan sa elementarya ay kilala ang BLACKPINK.
0 Comments