Juancho at Joyce engage na noong Agosto pa

Inihayag ng Kapuso host na si Joyce Pring nitong Miyerkules na engaged na umano sila ng boyfriend na si Juancho Trivino noong Agosto pa.

Sabi pa ni Joyce, na nitong Agosto 3,2019 na nag-propose si Juancho sa kanya sa trip nila sa Boracay. Isinama ng actor ang pamilya ni Joyce at ang mga malalapit nitong kaibigan. Pero hindi pa doon natatapos yun, dahil may mga surprise na sweet gimiks din ginawa ang actor.


Bago sila ma-engaged ay ipinagdasal talaga muna nila ang tungkol dito ng ilang linggo. Well, looks likes answered prayers na mga ka chika diba?

Na shocked daw itong si Joyce, sa kabila ng pag attend niya ng pre-marital counseling sa simbahan ay bigla na lang ito napaluha sa beach noong pagkakita niya na lumuhod na itong si Juancho at kinuha ang kaniyang kamay at sabay sabi ng "will you be my wife?"


Dagdag pa ng Kapuso Host ng Unang Hirit ay napag planuhan na nila ang tungkol sa kanilang wedding sa loob ng tatlong buwan nilang pagkaka-engaged. Kasama na doon ang pagpunta nila sa Big City (New York) upang sukatin ang susuotin na wedding dress.