Bashers ng SEA Games, stop ball kay Robin Padilla
Sunod-sunod ang nasabing aberiya sa parating na SEA Games, kaya't kaliwat kanan ang birada ng mga kritoko tungkol dito.
Sumasang-ayon si Robin Padilla sa sinabi ni Sen. Bong Go na unahin muna ang pag-suporta sa mga manlalarong Pinoy at pag asikaso sa SEA Games 2019. Matapos lang ang paligsahan ay doon na uumpisahan ang pag-iimbestiga tungkol sa mga kapalpakan.
Ayon kay Robin, “Katulad ni senator Bong Go, Ito rin ang naging pakiusap ko sa mga lumapit sa akin patungkol sa kanilang mga reklamo na may oras para sa ating sariling hindi pagkakaintindihan lalot dulot ng tradisyonal at baluktot na kultura ng pulitika nating naaagnas na sa baho.”
Sabi ng actor, sa ganitong panahon ay dapat mag tulungan hindi maghilahan pababa. Hindi niya nais na baliwalain ang isyu, pero habang hindi pa natatapos ang SEA Games ay mag tulungan muna bago asikasuhin ang nasabing isyu.
Pinasalamatan din ni Robin Padilla ang mga manggagawa na ginagawa ang kanilang makakaya upang maging maganda at maayos ang venue ng laro.
0 Comments