Matteo Guidicelli nangako na aalagaan si Sarah G.

Masaya at gusto ng magkaroon ng sariling pamilya ang actor na si Matteo Guidicelli, kaya exited na ito na makipag-palitan ng 'i do' kay Pop Princess Sarah Geronimo. Noong Huwebes ay nag post itong si Matteo sa kanyang Instagram na nangangako sa magulang ni Sarah na bibigyan niya ito ng masayang buhay.


Ito ang bahagi ng post ni Matteo, “Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life"


Tungkol naman kay Sarah ay proud na proud ang actor dito, dahil nakita niyang nag mature at nag grow ito bilang isang independent woman.

Dagdag pa ng actor, “Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang niya at mga kapatid niya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagaan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya.”