Umaapaw na biyaya, Dimple hindi makapaniwala

Sunod-sunod ang mga gracia na natatanggap ng actress na si Dimpke Romana. Hindi makapaniwala ang actress sa kabila ng mga biyaya ay nakatatak na rin sa kanya ang kilalang character niya bilang si Daniela Mondragon sa Kapamilya series na "Kadenang Ginto."


Ayon sa actress ay hindi niya talaga goal ang ganitong kasikatan katuladnng tinatamasa niya ngayon. "Hindi kasi ako ganun. Ever since ang goal ko lang naman sa pag-aartista ay 'yung may trabaho ako, mayroon lang akong gagawin na teleserye. Ganun lang naman ang gusto kong mangayari sa karera ko, 'yung hindi lang ako mawala."


Pagdating naman sa mga roles ay walang pinipili itong si Dimple. Kung ano ang ipagkakatiwala na role sa kanya any push siya with her 100%. Maging bida man o hinde ay walang pinipili ang actress.

Isa din sa ikinatutuwa ng Kapamilya star ay ang pagkabilang nito sa ilang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong 2019 at siyempre proud siyag matawag na "character actress."


Sabi pa ng actress, "Happy ako kasi 'yung mga pinto na nabubuksan, hindi lang naman para sa akin 'yun e, para sa lahat ng character actress 'yun, na mayroon din silang dream na makapag-endorse in the future."

Patuloy na napapanood sa Kadenang Ginto ang actress ngayon.