Good News! Ate ni Loonie nakalabas na ng pagamutan. Bad News! Diretso ito sa kulungan

Dalawang buwan din namalagi sa ospital ang ate ng rapper na si Loonie matapos sila maaresto. Noong Setyembre ay nahulihan umano sila ng bulto-bultong high grade marijuana sa lungsod ng Makati. Sa ngayon ay naka kulong na rin ang kapatid ng rapper sa kasong kaugnay sa droga.


Nakapiit ngayon sa Makati City Jail ang ate ng rapper na si Idyll Liza Peroramas, 28, makaraang kinumpirma na ng doctor ng Medical Center sa Makati na nasa maayos na itong kalagayan. May anxiety probem at problema sa blood count itong si Liza kaya't dinala ito sa pagamutan matapos silang mahuli.


Ayon naman kay Judge Ma. Caridad Villamor-Yee ng Makati Regional Trial court, “As clearly testified to by the attending physician of acused Idyll Peroramas, there is no longer any reason for the continued commitment of accused at the hospital.”


Kung inyong natatandaan, Nahuli si Liza Peroramas kasama ang iba pang suspect kabilang dito ang kanyang kapatid na rapper na si Marlon Peroramas o mas kilala bilang si 'Loonie' sa parking area ng isang hotel sa lungsod ng Makati. Tinatayang umabot sa P105,000 ang halaga ng nasabat sa kanila na high grade marjuana.