Ginang kinawawa ang 'Saleslady' sa Cebu, hindi pa nakuntento binato pa ito ng humidifier -- ARESTADO!

Isang video ngayon ang umiikot sa social media na kung saan ay pinapahiya at sinaaaktan umamo ng isang ginang ang kawawa at walang laban na 'Saleslady' sa isang mall sa Cebu.

Sa nasabing video ay kitang-kita talaga ang 33 anyos na si Medelina Yamazaki [Isang Pinay na nakapangasawa ng Hapon] kung papaano nito batuhin sa mukha ang tindera ng isang stall na  si Jennifer Fabillar.


Kahit na hindi na nagsasalita si Fabillar ay hindi pa rin tumigil sa pag-bunganga at pagduro-duro ang ginang. Kung napanuod ninyo ang video ay parang mas nagiging agresibo si Medelina noong dumarami na ang tao sa paligid nila.

"Mukhang nagbibigay ng mala-film fest na show ang matapang na ginang," ayon sa isang netizen.


Ayon pa kay Fabillar habang kinukunan siya ng statement ng Pulisya, dahil sa paggamit ng tester perfume ay nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaunawaan ni Yamazaki.

Hindi pa nakuntento si Medelina sa pagbato, pinagbantaan pa umano niya si Fabillar na papatayin niya ito. Rason kaya't dinalaw ito ng otoridad sa kanyang condo unit upang arestohin.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Yamazaki, gayun pa man ay determinado ang biktima na makamit nito ang hustisya.