John Lloyd handa nang sumabak muli sa showbiz
Noong Nov. 29. sa kasal ng isa sa Host ng It's Showtime na si Vhong Navarro ay nagkita at nakapag usap sina John Lloyd at Dra. Vicki Belo. Sa kanyang Instagram account ay binahagi ni Dra. Vicki Belo ang parte ng pag-uusap nila ni Lloyd.
Ito ang caption ni Dra. Vicki, “JL seems surprised when I told him how everyone still misses him after 2 years of being absent from the limelight. In a very soft voice, he said how grateful and humbled he was by people’s love and loyalty. I think he’s ready to go back. We can’t wait.”
Matagal-tagal din nagpahinga si John Lloyd sa buhay showbiz. Mahigit siguro dalawang taon siya ay namuhay bilang isang ordinaryong mamamayan. Minsan ay nakakasabay ito ng mga fans sa pagsakay ng jeep at siyempre, once in a blue moon lang nila makasabay ang actor kaya't kinukuhanan na nila ito ng litrato.
Ganun pa man, hindi pa rin nawawala ang pagsuporta sa kanya ng mga fans. Umaasa pa rin ang mga fans ng actor na muli itong magbabalik sa pag-arte. Mukhang malapit na nga itong mangyari kagaya ng sinasabi ni Dra. Vicki Belo.
0 Comments