Sincere apology lang galing kay Carlo ang gusto ni Angelica Panganiban

Pagtatambal muli nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa pelikula inaasahan ng maraming netizen. Iba talaga ang aura kapag sila ang magkasabay sa pelikula, katulad na lang ng "Exes Baggage" na umabot sa P355M ang kinita at naging box office pa ito. Lakas diba?


Bagay na bagay talaga ang dalawa. Pero ang tanong, kung 'OK' na ba sila?

Dahil hindi sinuklian ni Carlo ang 'love' na binigay sa kanya ni angelica rason kaya't hindi pa sila nagkakaayos hanggang ngayon. Para kay Angge ay parang ginamit lang siya upang manumbalik ang kulay ng career ng Ex-boyfriend nito.

Hindi ni Angge nararamdaman ang sinseridad ng paghingi ng tawad ni Carlo sa kanya kaya hanggang ngayon ay hindi pa niya kayang patawarin ang actor.


“Ako hindi naman ako naghihintay na may gawin 'yung isang tao para mapatawad ko siya. Kasi kahit ano namang gawin nila kung hindi ka pa talaga handa, hindi mo ‘yun mabibigay. Hindi mo ‘yun puwedeng ipilit e,” sabi pa ng actress.

“Gusto niyang ayusin kasi gusto niya makagawa pa daw kami ng pelikula. Pero hindi niya gustong i-revive ‘yung friendship namin.” dagdag pa niya.