Nakulimbat sa lambat si Marlon "Loonie" Peroramas at ang apat nitog kakosa sa isang drug buy bust operation na ginawa sa makati sa parking lot ng isang hotel sa makati city. Halos isang buwan ang ginawa nilang surveilance bago nila isinagawa ang buy bust operation, ayon kay Chief Senior Police Superintendent Rogelio Simo.
Dipensa naman ng rapper na si Loonie na ito ay isang planted operation. Giit pa niya na ang mga nakuhang ebidensya ay puros planted lamang at hindi ito sa kanya. Dagdag pa niya na ang cellphone lamang ang pag-aari niya.
Pahayag pa nito na kagagaling lang daw niya sa isang radio station dahil umanoy ito ay ininterview at nagulat na lang daw ito nang ganito ang naganap sa parking area ng isang hotel.
Labing limang sachet ng hi-grade marijuana o kush ang nasabat kasama ang buy bust money. ayon sa pulisya. Makaka rabat pa kaya itong si Loonie sa kulungan?
0 Comments