Kamakailan lang ay may nag viral na post sa facebook na may dayuhang nag lilinis sa baybaying dagat. Isang netizen ang napa WOW na si Jovi Mora at kinuhanan ito ng letrato noong setyembre 13,2019. si Simo Aaltonen ang banyagang nasa letrato na naglilinis sa dalampasigan ng Dipolog.


Naging usap-usapan sa social media ang dayuhan. Kung sino pa ang dayuhan siya pa ang may malasakit sa kapaligiran ng pinas. Nakakahiya nga naman diba? Ang pilipinas ay isa sa mga bansang maraming tourist destination na masarap pag bakasyunan.


Sa dami ng mga dumadayong turista at local na bumibisita sa mga tousist spot sa pinas ay hindi naiiwasang nakakapag iwan ang mga ito ng kakaunti nilang basura. Kakaunti? Yes! kakaunti lang ang naiiwang basura ng bawat isang turista ngunit ilan ang turista na nakakagawa nito? Kapag pinag sama-sama ay marami na rin ito.

Sa tingin ninyo? mag hihintay pa ba tayo na iba ang kumilos o tayo na mismo ang kikilos?