Si Manny "Pacman" ay kilala bilang isang magaling na boxingero at senador. Sa edad na 40 ay nakikipag bakbakan pa rin ito sa boxing ring at nakaka kuha pa ng mga panalo. Kaya naman ang mga mamamayang pilipino ay natutuwa kapag siya ay nananalo sa laban. Sa bawat laban niya ay nasa likod niya ang bansang pilipinas para sumuporta. Eto pa, sa kanyang bawat laban ay ginagamit niya ang kanyang private plane bilang transportasyon ng kanyang pamilya at ng kanyang buong team.
Kamakailan lang ay lumipad ito ng cebu gamit ang kanyang private plane para sa dadaluhang seminar at para makapag pasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanya. Kasama niya ang asawang si Jinkee Pacquiao. Nag bahagi pa si Jinkee ng ilang mga larawan at may kasamang matamis na mensahe na tungkol sa pagmamahal. Ang daming mga netizens ang na sorpresa sa sweetness ng mag asawa sa litrato.
Isa sila sa mga hinahangaan ng mga mamamayang pilipino, dahil sa kanilang pagiging magandang ehemplo bilang isang pamilya at bilang isang indibidwal. Hinahangaan din sila sa pagkakaroon ng napaka daming negosyo, ari-arian at lalong-lalo na sa dami nilang natutulungan. Sa simpleng umpisa na nagkakilala sila sa isang mall hanggang sila ay biniyayaan ng limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine, Queen Elizabeth, and Israel. Ilang buwan na nakakalipas nang napabalita na si Jimuel ay nagpakita ng hilig at talento sa pag boxing, medyo nag aalangan pa ang mga magulang nito ngunit hindi nag laon ay sinuportahan din nila ang hilig ng binata.
Si Emmanuel Dapidran Pacquiao ay kilala bilang Manny Pacquiao na isang propesyonal na boxingero at politico. Isa siya sa mga inspiration ng karamihan, nag mula sa hirap hanggang sa mga tinatamasa niyang biyaya ngayon. Naabot niya pangarap niyang ito sa pamamagitan ng pagsisikap sa gitna ng hirap ay hindi siya sumuko para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Talaga nga naman walang imposible sa panginoon. Faith in God plus Hardwork equals dreams comming true.
0 Comments