Ang pagkakaroon ng magandang buhay at magandang kinabukasan ay hinahangad ng karamihan. Kaya naman tayo ay nag aaral ng mabuti upang makapag tapos at makahanap ng magandang trabaho. Trabaho na may maganda o malaking sweldo.

Pero alam naman natin na hindi ganun kadali ang makahanap ng magandang trabaho at hindi din madaling kumita ng pera. Lalo na sa panahon ngayon, napakadaming kompitensya mapa-talento mannito o negosyo ay nandun ang kompitensya. Hindi naman ito hadlang kung tutuusin. Isang matinding determinasyon at pagmamahal sa trabaho ay magandang simula na.


Alam naman natin na hindi lahat ay pinapalad na magkaroon ng marangyang buhay. Ang iba ay nag tratrabaho ng puspusan upang magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan. Bawat sentimo ay mahirap kitain lalo na sa panahon ngayon.


Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isa sa mga hinahangaang boxingero at senator, hindinlang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo. Isang magandang inspiration ang buhay ni Sen. Manny Pacquiao. Nanggalig siya sa mahirap na buhay hanggang nakilala niya ang larog boxing at duon na nag umpisa ang mala-fairytale niyang buhay. Simula sa pagkakaroon ng magandang asawa at pag-asenso sa buhay. Isa siya sa kilalang tao na pinaka mayaman sa pilipinas ngayon.


Kaya naman hindi na nakaka gulat na mabalitaan na ang suot ng asawa nito na si Jinkee Pacquiao noong July 20 sa laban ni Manny kay Keith Thurman sa America ay hindi basta-basta. Ito ay nagkaka halaga ng P155,000. Hindi lang iyon, pinaresan pa niya ito ng Hermes bag na nagkakahalaga ng 3 milyong piso at nag suot pa ng sandals na Christian Dior na nagkakahalaga rin ng P58,000.

Napaka rangya talaga ng kanilang pamumuhay ngayon. Hindi na nakaka-gulat iyon. Dahil ika nga kay fighting senator na ang lahat ng tinatamasa nila ngayon ay bigay ng Panginoong Jesus. Talagang nakakabilib itong si Sen. Manny, sa kabila ng karangyaan sa buhay ay nananatili ang kanilang paa nakatapak sa lupa at laging naka tingala sa Panginoong Jesus. Naway pagpalain pa kayo ng maykapal.