Sa dami ba naman na inendorso at naging pelikula nitong si Angel Locsin ay matitiis pa ba nitong hindi bayaran ang kanyang team? Kamakailan lang ay bumili pa nga ito ng Beach Resort upang gawing regalo para sa kanyang ama.
May isang netizen ang sinagot ni Angel sa twitter. Inakala kasi ng Netizen na ito ay porket artista na ay libre na sila sa karamihan ng mga event like ABS-CBN ball. Pero sa realidad naman ay hindi ganun.
Ayon kay Angel sa mga ganitong event ay gumagastos din sila. Katilad nga daw last year ay gumastos siya ng 100k para lamang sa gown at hindi pa kasama ang hotel room at makeups at iba pang gastusin para sa kanyang team.
Dagdag pa niya na hindi't porket artista siya ay libre na agad. Hindi naman daw porket artista ay prebilehiyo na agad na dapat may sponsor sila sa mga events. Minsan ay may mga sponsor pero sa dami nga naman ng mga dumadalong artista sa mga events ay nagkakaubusan din yan ng mga sponsors.
Isa pa, kung kilala niyo naman si Angel o kung taga suporta niya talaga kayo. Hindi niyo pag iisipan ng mga ganung bagay ito, kasi nga kilala niyo na siya. Katulad na langnsa hindi niya pag dalo nitong nakaraang event.
May rason kung bakit hindi siya dumalo. Kasi nga sa halip na gastusin niya ang pera sa Gown o iba pa. Mas pinili niyang ibigay na lang ito sa mga Bantay Bata. Nakatulong na siya, may nabago pang buhay nang dahil sa tulong niya.
0 Comments