Ang "LOVE" ay isang malakas na salita. Kapag ito ay ginamit ng tama ay nakakapag bigay tuwa at pambihirang saya sa tao na binibigyan nito. Pero ito ay nakaka sira din kapag hinaluan ng kasinungalingan.


Katulad sa nangyari sa isang magkasintahan na dapat ay sosorpresahin ng lalake si babae. Bumiyahe pa ng 2,400 ang lalake upang surpresahin nito ang kanyang kasintahan. Nag suot pa ito ng bear mascot upang ito ay sorpresahin. Ngunit sa kasamaang palad ay siya pala ang masosorpresa sa kanyang makikita. 


Nakita niya ito na may kasamang lalake at naka palupot pa ang braso nito sa kanyang kasintahan habang masayang nag uusap. Ang sakit nito lalo na lumipad ka pa ng pagka layo-layo upang makasama lang ang iyong mahal na may mahal din na iba. Sa kabilang banda, hindi naman talaga alam ng ilan kung ano ang tunay na rason kung bakit nito susorpresahin ang kasintahan. Pagka kita nito sa babae ay tinangal agad niya ang ulo ng bear costume upang siya ay makita ng kasintahan at agad naman siyang napansin ng babae at dali-daling tinanggal ang brasong naka yapos sa kanya at tumakbo papunta sa kasintahan.


Ngunit lumakad na palayo ang lalake dismayadong-dismayado sa mga nasaksihan nito. Todo yakap ang babae at habol, sigurompara humingi na rin ng tawad at pigilan ang kasintahan.  Sa ganitong sitwasyon kakaunti na lang ang nagkaka-ayos pa muli. Kadalasan ay napupunta na sa hiwalayan. Siguro mapapatawad ng lalake ang babae pero ang relasyon?  Yun ay isang malaking tanong kung maaayos pa ito nilang muli.