Nag post ng apology si Abueva sa kaniyang instagram post. “Ako po ay humihingi ng paumanhin sa mga mga nagawa ko po sa PBA. At sa Talk 'N Text, Talk 'N Text fans sa Phoenix Fuel Masters management at sa Phoenix fans at lalo sa po sa board of governors, kay Commissioner Willie Marcial, kay Bobby Ray Parks kay Mikee Rivera and then sa PBA family,” saad pa niya.
Noong Hunyo ay pinatawan umano si Abueva ng indifinite ban matapos ang girian nila ng import na si Terrence Jones ng TNT noong Commissioner's Cup. Pero bago iyon ay nakasagutan din niya ang girlfriend ni Parks na si Rivera.
Pinagbayad di umano si Abueva ng halagang P70,000 dahil sa mga pangyayari. Bale P20,000 para sa pakikipagtalo sa fans na girlfriend pala ni parks at P50,000 para naman kay Jones sa pag clothesline niya dito.
Hindi pa alam kung pagbibigyan ba ito ulit o magiging mahaba pa ang suspensyon nito.
0 Comments