Pinagtawanan tapos ginaya din pala, lalake pinagtawanan sa ginawang pag butas sa 'kundol'

Nilagyan ng isang lalake ng tatlon butas ang kanyang 'kundol' at habang ginagawa niya iyon ay kinukutya siya at pinagtatawanan ng kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi nila alam na pwede pala iyon gamitin upang kumita ng pera.


Walang kaalam-alam ang kanyang mga kaibigan sa gagawin ng lalakeng iyon. Kahitnnaman siguro ikaw ay talagang mapapaisip sa ginagawa ng lalakeng iyon. Hindi niya pinansin ang pangungutya, patuloy niyang tinatapos ang kanyang ginagawa.


Nilagyan niya ng salaan ang tatlong butas na ginawa niya at tinamitan ng alambre pang-tali upang hindi matanggal ang salaan. pero bago iyon ay binutasan muna niya ang gita ng kundol gamit ang kawayan. Ang hiniwang dulo ng kundol naman ay ginusukan nila ng kawayan upang mag silbig lock at hindi bumukas ang mgakabilang dulo nito.


Noong natapos na niya ito ay inilubog niya ito sa ilog at makalipas ang kalahating oras ay kaniya itong binalikan. Laking gulat ng mga nangutya ay puno ang loob ng kundol ng 'crayfish' o fresh water lobster.

Pagkatapos noon ay ginaya na siya ng kanyang mga kaibigan at ka-barangay. Pwede kasi silang kumita ng pera gamit ang paraan na ito.


Minsan talaga kung ano pa ang inaakala nating kakaiba at nakakatawa, yun pa pala ang pwedeng makatulong upang kumita tayo ng extra. Malinis na paraan naman ang prosesong ito kaya wala naman dapat ikahiya. mabuti nang gumamit ng kundol sa panghuhuli ng crayfish kesa manloko at magnakaw.

Post a Comment

0 Comments