Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa at pag-babayanihan. Pero mukhang sa pag lipas ng panahon mukhang nawawala na ang dating kaugalian ng ibang Pilipino. Dahil ba sa pag-pasok ng digital age kaya medyo nakakalimutan na kung ano talaga tayong mga PILIPINO?


Hindi naman sa nilalahat ko, pero dumaeami ng dumarami ang nagihing 'bastos at hudas' ngayon. Nasaan na ang mga magagandang kaugalian na taas noo na naipag-mamalaki natin? Hahayaan na lang ba natin mabura?


Kumakalat sa social media ang isang post ng concern citizen kamakailan. Isang 'LOLO' ang hindi pinasakay sa bus ng dahil lang sa kanyang itsura at pananamit. Bakit? jan na ba binabase kung sino ang dapat makakasakay sa bus ngayon?


Ayon sa caption ng isang concern citizen ay may pamasahe naman ang matanda kaso kahit may pamasahe ay pinababa pa rin ito ng conductor.


Lahat naman tayo nag-kakamali, pero hindi ibig sabihin mananatili tayo sa pag gawa ng mali. Kung nagkamali man ay matutong humingi ng tawad o ituwid ang mali. Sa pangyayaring ito, sana mamulat ang conductor o kung sino pa man involve sa hindi pag-papasakay kay lolo.