Magandang Serbisyo. Yan ang palaging hanap ng mga tao kapag umo-order ng mga pagkain online at nag-papadeliver. Uso ngayon ang FoodGrab, yung tipong oorder ka ng mga gusto mong food. Babayaran mo ang ampunt ng order mo kapag na deliver na.
Ulan, Init, Baha, yan ang kinakaharap ng mga riders ng FoodGrab. Pagod at oras nila ang binabayaran sa kanila. Pero bakit may mga nang-momodus pang mga bogus? Hindi niyo ba naisip na 'Pera nila' ang ginagamit nilang pang bayad sa mga orders niyo?
Mababawi lang nila ang perang iyon kag na deliver na nila ang inyong orders kasi by that time nyo sila mababayaran.
May isang Bogus modus nanaman ang nangyari kamakailan. Naluto na ang pagkain sa isang restaurant nung kinansela ng bogus customer ang order nito. mabuti na lang sa "Sulok Cafè" nakapag order ang rider.
Mabait ang may-ari ng Sulok Cafè, dahil naintindihan nito ang sitwasyon ng mga GoodGrab riders. Noong nalaman niyang kinansela ang orders nito ay nag text ito sa taong nag kansela ng order baka kasi nagkamali lang.
Ngunit hindi pa rin nag reply kaya nag text ulit ang may-ari ng Cafe na si Rodrigo “I hope you can sleep well tonight, sir. I decided to shoulder the expense and gave back the money the rider paid it for. They will eat in my restaurant now. Ayoko ma-aberya sila with the whole Grab Process of refunding. Sayang sa oras at panahon. I’ll take this as our good deed for today.”
It only shows na hindi lahat ng Pinoy ay wala ng mabuting asal. Marami pa rin sa mga pilipino ang may mabubuting asal, katulad ni Rodrigo ang may-ari ng Sulok Cafè.
0 Comments