"Mga kababayan!" Itong linya pa lang sa kanta ay alam mo na agad kung ano ang kanta at kung sino ang kumanta. Ganun ka sikat si Francis M.
Grabe ang tindi ng kanyang impact pagdating sa rap songs dito sa pilipinas. Karamihan sa mga kanta niya ay patuloy niyo pa rin naririnig sa radyo. Ilan Isa na dito ang 'Kaleidoscope' na may malalim na ibig-sabihin ngunit madaling tandaan at kantahin.
Sa kanyang kaarawan ay binalik tanaw nina Maxine, Saab at Elmo ang kanyang mga magagandang ala-ala.
Sa instagram post ni Maxine ay nag post siya ng lumang litrato ng ama, habang si Saab naman ay nag post ng litrato ng kanyang asawa na kasama ang kanilang mga anak at sabing bawat isa sa kanila ay nagpapa-alala sayo.
"It would have been pop’s 55th birthday today!" mensahe ni Saab.
"I remember him every single day through my husband who shares a lot of his best traits, through Pancho who has his kilay, and through Vito who has his cheeks. It’s been 10 years without him but his legacy will live on forever."
Habang si Elmo naman ay naging sentimental. "Love from all of us down here looking up to you, That will never change."
0 Comments