Walang hinto ang pag-papamangha nitong si 'Basel' ng The Hungry Syrian Wanderer sa mga pinoy. Kung natatandaan ninyo yung ginawa niyang pag-bigay ng pasasalamat sa mga Food Grab Rider kamakailan lang.
At ng dahil doon ay maraming namangha sa kanyang kagandahang loob at pag-mamalasakit sa mga pilipino.
Kaya't marami ang nag reach out sa kanya at nagpasalamat, to the point na may mga gusto na siyang makita sa personal.
Pinaunlakan naman niya ang isang Food Grab Rider na nag reach out sa kanya at hulaan ninyo. Yun ang naging daan upang sila ay maimbitahan nitong si Basel sa kanyang food shop na 'YOLO' at pinaorder nito ang iaang grupo ng Food Grab Riders ng kahit anong gusto nilang kainin sa shop niya.
Pero bago ang mga ito umorder ay may surpresa din pala silang dala para kay Basel. Bingyan din nila ito ng isang masarap na pancit bihon bilang pasasalamat nila. Aminin man natin sikat ngayyon ang Food Grab pero ang mga riders nito ay tahimik na binubully ng mga bogus na tao.
Kaya naman sila ay nakiusap na kung sana ay 'Respetuhin' din sila bilang tao. Kasi pera nila ang nasasayang kapag bogus ang customer.
0 Comments