Nag post sa instagram si Mika Dela Cruz sa kanyang instagram kamakailan lang.
Mahinahon ang kanyang post kung inyong babasahin.
"Sasaktan mo 'yung tao.. wala lang sa'yo pero di mo inisip yung mararamdaman niya kasi alam mong hindi siya aalis, hahabulin ka naman. Hindi niya kaya. Tas pag finally pagod na yung tao at sa ways mo.. tsaka mo ngayong mare-realize yung weight ng mga bagay na nagawa mo at 'di mo nagawa.
"Tapos magsisisi ka. Tapos kapag nakita mong ok na siya, masaya na siya sa buhay niya. Maaring may iba man o wala. May bago man o wala.
"Papaka-bitter ka na lang kasi alam mong kahit ano'ng gawin mo, hindi mo na siya mababalik. Hindi mo na maibabalik 'yung tao. yung dati.
"Ayaw mong aminin yung totoo. Kasi alam mo sa sarili mo kahit ano'ng ibang rason pa ang halungkatin mo, sa pagkakataon na yun, ikaw 'yung naging rason. Ikaw 'yung nagkulang. Ikaw yung nagbigay ng kalahati hindi buo. Masakit, alam ko. Mahirap tanggapin kasi di mo mabago ang totoo. Ano'ng lesson? balik tayo sa una. Wag mo siyang saktan :)"
Bagong kanta ba ito na binubuo ni Mika? o may gusto siyang patamaan dito?
0 Comments