Sulat ng ina "excuse letter" para sa guro, naging daan upang sila ay matulungan

Isang sulat ang nagpa-lambot ng puso ng guro at ng mga netizens ngayon sa social media. Isang excuse letter na ginawa ng ina ng isang estudyante sa kadahilanan na hindi nakapasok ng tatlong araw ang kanyang anak.

   (Photos from youtube. Credit to Jesica Sojo State of the Nation)

Nag viral ang naletratuhang excuse letter at maraming netizen ang nahilot ang puso. "Please excuse my son for being absent for three days because he has no rice to eat. His father cannot drive sikad," Nilalaman ng sulat ng ina ni Jerome Felipe na pinost ng kanyang guro na si teacher Jen Dullente sa Facebook.

    (Photos from youtube. Credit to Jesica Sojo State of the Nation)

Ayon sa report ay naantig ang puso ng guro noong nabasa niya ang excuse letter kaya't binisita niya ang bahay nila Jerome at nag abot na din ng tulong.

"It is an eye opener for me as a teacher na I should consider more on what is happening to my students." Saad ni teacher Jen.

   (Photos from youtube. Credit to Jesica Sojo State of

Tiniyak naman niya sa publiko na ang staff at faculty ng paaralan ay nag abot ng tulong na pera upang makatulong sa pamilya ni Jerome.

Post a Comment

0 Comments