Isa umanong multo ang nako fieldtrip kasama ang mga batang mag-aaral. Ayon sa kwento ng isang netizen kay Chai Spookify, noong nakita niya ang litrato na pinadala ng kanyang mister ay agad niyang pina-uwi ang mag-ama.

“Excited pa naman ang anak kong si Venice para sa fieldtrip nila kasama daddy niya. Pero agad ko silang pinabalik ng bahay pagkakita ko sa picture na to,”  saad ni Vanessa.


"Assembly time na ‘yan ng lumabas ng bus si ER para mag vape. Pinicturan niya si Venice tapos sinend niya sakin sa messenger. Tinawagan ko siya agad sabe ko sino si Venice sa pic. Dalawang Venice ung nasa pic. Magkaiba ng pwesto. Sabe niya ha anong pinagsasabe mo. Chineck ni ER ung sinend nya at agad nyang binalikan si Venice sa loob para umuwi na sila,” dagdag pa niya.


Kitang-kita sa larawan ang babaeng nasa likod ng bata at sa bandang kaliwa naman ay may isang batang kamukha din ng kanilang anak.

“Yung totoong pwesto ni Venice ayung nakahawak dalawang kamay sa bintana. Yung nasa gilid na naka 🤙 na kamay at nakangisi, hindi si Venice un. Walang bata na nakaupo dun. Bakante. Meron din parang makapal na buhok sa likod nung totoong Venice,” pagbabahagi pa ni Vanessa.


Kaya ang ginawa ni Vanessa ay kanyang ipinagdasal niya ang kaligtasan ng mga nag fieldtrip na naway ligtas sila papunta at pauwi. Tama nga naman ang kanyang ginawa, Hinding-hindi mananalo ang kadiliman sa Panginoong Hesus.

Sa mga nag-babasa nito, ugaliing mag dasal at humingi ng pasasalaman sa araw-araw na biyaya at proteksyon na binibigay ng Panginoon.