Isa nanamang nakaka-kilig na series ang ihahandog sa atin ng Kapamilya Network. Kanilang pagtatambalin sina James Reid at Nancy Jewel Mcdonie vocalist ng momoland sa isang magandang series project.
Image credit: instagram/@merlitopabatao
Ito ang unang project ni Nancy dito sa Pilipinas at ito din ang nagpapa exite sa kanyang unang pag sabak sa pag-arte sa telebisyon.
“I’m very excited, and also I’m very nervous. It’s my first time to come to the Philippines to do a project. I’ve never been in a big drama before, so I guess I can say it’s my first time,”sabi ng Korean star.
Natutuwa si James Reid na si Nancy agad ang kanyang makakasama sa kanyang pagbabalik sa teleserye.
“I have to be honest, I’m a little star struck of course. I’m super excited to work with her. It’s my first time to work with an international artist. It will be the first of its kind in the Philippines. “sabi ng Kapamilya heartthrob James Reid.
Kukunan ang mga eksena ng serye sa Pilipinas at South Korea. Uumpisahan ang shoot nito sa 2020.
0 Comments