Teenage pregnancy ay isang seryosong problema ngayon, nakakapag dulot ito ng matinding dipresyon sa mga nabuuntis ng maaga. Kapag ang babae ay nasa edad 20 ay matatawag pa itong teen pregnancy. Ang teen pregnancy ay nakakaapekto sa buhay ng sanggol, ina, ama, at ng kanilang mga pamilya.
Bakit? Kasi sa murang edad nila ay kinakailangan pa ng mga ito ng gabay at lalong-lalo na ng atensyon upang hindi maligaw ang mga ito at mapariwala. Lalong-lalo na, upang hindi sila mahulog sa bitag ng dipresyon. Kasi ang pagkakaroon nila ng biglaang anak ay nabago na ang mga plano nila sa buhay dala ng pagkakaroon na ng responsibilidad sa bata.
Marami ang nagpapakamatay dahol sa 'teen pregnancy'. Isa na ang rason na takot ito malaman ng mga magulang at hindi alam kung papaano nila harapin ang buhay na may anak.
Hindi man aminin ng karamihan, kapag nangyayari ito sa isang teenager ay agad nila iton hinuhusgahan ng hindi man lang iniisip na mas kailangan nila ng pag-iintindi. Ang kailangan nila ay ang mga taong makakapalagayan ng loob upang doon nila maibuhos ang mga saloobin, outlet na malalabasan ng mga hinaong at sa kabilang banda naman ay sila ay magagabayan na din.
0 Comments