Natatandaan nyo pa ba ang kasabihang “Smokers don’t grow old. they die young”? Ito ang isa sa mga kasabihan na binabalewala ng karamihan. Kahit na mag naka lagay na sa bawat pakete ng sigarilyo na CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH, ay bumibili pa rin ng sigarilyo ang mga tao kahit na alam nila na sakit ang dulot nito.
Maraming tao na ang namamatay ng dahil sa paninigarilyo taon-taon. Ilan sa mga dahilan nito ay ang mga delikadong kemikal tulad ng nicotine, carbon monoxide, at tar. Ang nicotine ay nakaka adik at isa ito sa napaka delikadong kemikal na mayroon ang sigarilyo.
Kahit na ganun ay patuloy pa din ang pag hit-hit ng mga tao sa sigarilyo kahit na alam nila na ang ating 'baga' ang inaatakeno sinisira nito. Ilan dito ang mga sakit sa baga na nakukuha sa paninigarilyo ay ang lung cancer, cancer of the larynx, chronic bronchitis, and emphysema.
Ang antas ng panganib na dulot ng paninigarilyo ay naka dipende sa dami ng naubos o na langhap ng taong naninigarilyo. Sa panandaliang kaligayahang dulot nito, bakit natin itataya ang kalusugan? Sa halip na tayo ay mag tulungan upang ito ay maiwasan.
0 Comments