Habang binabaybay niHolly Persic ang daan papuntang library sa Allegheny Country sa Pensylvania ay may napapansin na itong hindi tama sa kaniyang sasakyan.
“My wife called me from Northland Library and said that her car smelt like it was burning, and was making a weird sound,” saad ni Chris Persic sa Facebook post na nag viral.
Dala ng pagtataka ay binuksan ni Holly ang hood ng kaniyang sasakyan at bumungad sa kanya ang mga walnut at damo na nakatambak sa makina ng kanyang sasakyan.
Noong weekend kasi ay nakamparada lang ang kanyang sasakyan kaya't ang hinala niya, doon nagkaroon ng pagkakataon na makapag imbak ang squirrel ng damo at walnut sa ilalim ng hood ng kanyang sasakyan.
Mahigit 200 na walnuts ang nakuha nila at sandamakmak na damo, oras ang ginugol ni Chris sa paglikinis ng sasakyan, aniya. Nagkaganun man ay dinala na lang nila sa biro ang pangyayari.
“There’s definitely an angry squirrel wife right now wondering where all the nuts went,” saad ni Chris.
0 Comments