Ang polusyon ay ang mga pinag-halong mga kalat at naging sanhi ng kasiraan ng inang kalikasan. May polusyon din sa angin na mga pinag-halong usok at mga alikabok na galing sa pabrika, sigarilyo at mga maiitim na usok galing sa mga sasakyan.
Hindi man namamalayan agad, pero malaki na ang ginawang pinsala ng polusyon sa ating lipunan. Kagaya ng sa mga baradong estero at namatay na mga ilog. Kapag umulan lang ng konti ay agad itog umaapaw at ang mga basura at dumi ay bumabalik din sa mga tao.
At kung bumalik? Eh di raklamo ng todo sa gobyerno. Bakit? isang tao lang ba ang may gawa nito? Napaka daming tanong, kung papaano maiiwasan at kung papaano malilinis ang kapaligiran.
Bakit tinatanong pa? Hindi pa ba alam ang solusyon? Mag tulong-tulong at disiplina sa bawat isa aynsobra pa sa sapat. Malinis at disiplinado ang mga pilipino kapag nasa ibang bansa, pero bakit sa sariling bansa ay walang disiplina?
Siguro para maging malinis ang mga ilog at estero ay kailangan din na disiplinahin natin ang ating sarili, upang mapangalagaan din natin ang kalikasan na tinatawag nating atin.
0 Comments