Carlos Yulo, porsigidong maka kuha ng ginto sa darating na Olympic Games sa 2020

Balak pa ni Carlos Yulo na sungkitin ang ginto sa Olympic Games na gaganapin sa Tokyo sa darating na 2020. Matindi ang focus nitong si Yulo sa kanyang pangarap. Katatapos lang ng World Gymnastics Championships, pero gusto agad nitong mag handa para sa darating na Olympic Games.

Pahayag ni Yulo sa isang media conference “Hindi pa po ako satisfied doon.”
“Alam kong mas-kaya ko pa po.” dagdag pa niya.
Kahit na nga ang head ng Gymnastics Association of the Philippines na si Even Cynthia Carrion ay sumang-ayon sa 19 anyos na si Carlos Yulo.


“He needs to forget his win in the worlds. Stop it. From now on, he has to think of the Olympics. Olympics, Olympics. He has to win the gold,” saad ni Carrion.

Nag handa naman ng omentong P500,000 si PSC chairman William Ramirez bilang dagdag sa pabuya kay Yulo. “The board also approved to give him P500,000 more. Who would have imagined a Filipino winning a gold in the world championships?” sabi ni Ramirez.

Maliban doon ay may matatanggap pa itong si Carlos Yulo na 1 milyong piso bilang pabuya galing sa MVP Foundation. “Plano ko ibili iyon ng bahay para sa pamilya ko,” saad ni  Yulo. “Magiging atleta na rin kasi ang mga kapatid ko, kaya magandang lumaki sila sa maayos na environment.”

Ayon kay Yulo ay hindi ganun kadali ang mag training ng malayo sa pamilya ng 3 taon. Minsan ay nakakapag-isip siya na hindi na ituloy ang training at umuwi na lang. Homesick talaga ang kalaban kapag malayo sa pamilya.
“Noong mga unang araw ko sa Japan, nakakaramdam na’ko ng lungkot. Nami-miss ko na’ng pamilya ko”
"Yung training hindi madali. Sobrang hirap. Araw araw naiiyak ako. Sinabi ko sa coach ko na magku-quit na ako,” saad niya.

Ngayong naka uwi siya at nakausap ang kanyang pamilya ay napag-desisyunan na ng 19 anyos na si Yulo na ipagpatuloy na ang kanyang pagsasanay. Sabi pa nito na “Ngayon target ko nang di maulit ’yung dati. Gusto kong lumaban, gusto kong ipakita na kaya ko po”. 

Post a Comment

0 Comments