Puno ng mansanas, matagumpay na pinatubo ng estudyanteng taga Davao
Alam natin na maganda para sa kalusugan ang pagkain ng mansanas araw-araw. Yun nga lang ay may kamahalan ito at walang tumutubo nito sa Pilipinas. Lahat ng mga mansanas na tinda dito at nanggaling pa sa ibang bansa.
Pero hindi na ito imposible ngayon, dahil sa isang College Student na taga Davao ay ginawa niyang posible ang pag-tubo ng puno ng mansanas dito sa Pilipinas. Noong 2014 ay nag simula siyang mag-tanim ng buto ng mansanas sa kanilang bakuran sa Barangay Kapatagan,Digos.
Hindi kalaunan ay tumubo din ang kanyang tinanim na buto ng mansanas, kaya't nag-saliksik pa siya tungkol sa kun papaano latubuin ng tama ang puno ng mansanas.
"I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way in the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure," saad niya.
At noong nakaraang taon ay napansin niyang may mga bulaklak na ito at hindi nagtagal ay may apat na bunga na na ito. Matagumpay niyang inalagaan ang puno hanggang sa ito ay mamunga.
Nakakatuwa kasi isang kapwa nating Pilipino ang naka gawa nito.
0 Comments