Matindi talaga kung makapag-akit ang manok na pula, pati ang pampasweldo sana sa mga opisyal ng barangay sa San Isidrom Iriga City, Camarines Sur ay naipatalo sa sabungan ng isang barangay treasurer.
Hindi din naman masama mag sabong paminsan-minsan pero yung gamitin ang pera na dapat na ipapasweldo sa mga tao ay hindi na magandang gawain. Nakaka perwisyo na yun ng ibang tao.
Pumunta pa umano sa Pulis Station ang nasabing barangay treasurer upang ireport na hinold-up daw umani siya, ayon sa pulis.
"Tinignan namin yung area kung saan siya hinold-up. May CCTV doon, ni-review namin yung footages ng CCTV. Tatlong beses siya pabalik-balik sa area, may kausap siya sa telepono. Nagduda kami. Sabi ko, kung hoholdapin ka sa isang lugar, dapat isang pasada lang, isang daan ka lang," ayon kay acting chief of police ng iriga na si Police Lieutenant Colonel Elmer Mora.
May kausap siya sa telepono at pagkatapos noon ay may biglang lumapit sa kanya at pinukpok umano siya sa ulo at biglang tinangay ang dalang bag ng nasabing barangay treasurer. Kita sa CCTV ang pangyayari.
Ngunit anahuli din hindi kalaunan ang suspect na nag hold-up sa barangay treasurer at duon napag-alaman na napag-utusan lang umano ang nag panggap na holdaper at binayaran ito ng 5,000php upang gawin iyon.
Nahaharap si Vargas sa kasong obstruction of justice habang inihahanda na rin ang kaso laban sa dalawa pang naging kasabwat nito. Hindi biro ang ipinatalo ni Vargas sa sabungan dahil 275,000php ang halagang ipinusta sa manok na pula.
0 Comments