Madalas tuwing umaga ay pagkabangon diretso agad sa kusina kumuha ng maiinom at ng makakain. Pero alam ba natin ano ang mas mainam na inumin tuwing umaga?
ipinaliwanag ng internist na si Dr. Rolando Balburias na mas mainam na uminom nang malamig na tubig sa umaga kaysa maligamgam na tubig. Sa programang Pinoy MD ay kanya itong ipinaliwanag kung bakit.
"'Yan 'yung tinatawag natin na... cold thermogenesis, kasi nga bini-break in mo ang katawan natin, that will speed up 'yung metabolism natin," pinaliwanag ni Dr. Balburias.
At kapag naman katatapos lang kumain ay hindi nakabubuti na uminom ng maraming tubig. Bakit? eto ang paliwanag ni Doc.
"Ngayon 'yung pag-inom ng tubig naman bago at pagkatapos kumain, hindi rin po maganda 'yon dahil nadi-dillute natin yung mga digestive enzymes na kailangan natin para ma-digest po nang tama ang ating pagkain," paliwanag niya.
Ang pag inom ng maraming tubig pagkatapos kumain ay nakaka impatso ito o malabsorption. Ayon kay Dr. Balburias.
0 Comments