Isang mouth watering discovery ang nagawa ng Kimmy Bakes Bakery na matatagpuan sa Silang Cavite. Isang napakalambot at malasang ube pandesal na may cheese sa loob nito. Kaya naman mapapapost ka talaga sa sarap.
Ayon sa balita ay simula noong ginawa nila itong ube pandesal ay hindi pa gaano ka-dami ang ginagawa nilang produksyon nito. Pero laking gulat nila sa loob ng dalawang buwan pa lang ay pinipilahan na ito ng mga customer ng kanilang bakery.
Pati nga sa online world ay napasok na ng ube pandesal. Sa dami ng gustong matikman ang sarap at linamnam nito ay dinarayo pa ang mga taga-ibang probinsya at kalapit bayan upang makabili ng sikat na pandesal.
Sa ngayon ay nakaka ubos ang Kimmy Bakes Bakeshop ng 5,000 piraso ng ube cheese pandesal kada-araw. Para sa mga gustong maka alam ng presyo nito ay mabibili niyo ito ng P175 / 15pcs. Kaya dayo na sa Kimmy Bakes Bakeshop.
Hindi pa gaano katagal simula noong nag bukas ang Kimmy Bakes ngunit sa angking talento ng baker ay talagang nakuha nila ang panlasa at atensyon ng mga tao.
0 Comments