Dream bike ng isang Construction Worker, tinupad ni "The Hungry Syrian Wanderer" Basel

Sinurpresa ni Basel ang isang construction worker. Simula noon 2018 noong ginagawa pa lang ang shop na YOLO ay nakitaan na ng magandang attitude sa trabaho ang construction worker na ito. Kaya sa darating na kaarawan nito ay isasakatuparan na ni Basel ang dream bike nito.

   (Photos from Youtube/ The Hungry Syrian Wanderer)

Ayon kay basel ay nanghihiram lamang ito ng bisikleta sa kanyang pinsan upang makapunta sa trabaho at kung minsan ay nag sumasakay na langbito kapag walang mahiram na bisikleta. Kaya naisipan ni Basel na bumili ng bike.

   (Photos from Youtube/ The Hungry Syrian Wanderer)

Pagkabili ay agad niyang pinapunta ang trabahador upang 'kunwari' na tulungan si Basel na mag buhat ng binili niton freezer. Agad naman pinuntahan ng trabahador ito sa kanyang bahay upang tumulong.

   (Photos from Youtube/ The Hungry Syrian Wanderer)

Agad naman pinag ligpit ito ni Basel ng mga nakatambak na mga gamit sa driveway, ang hindi alam ng trabahador ay may bisikletang naka takip kasama ang mga gamit na ililigpit niya. Di na pinatagal ng Syrian national ang senaryo. Sinabi niya agad na binili niya ang bisikleta para sa trabahador. SHOCK, yan ang reaksyon nito.

   (Photos from Youtube/ The Hungry Syrian Wanderer)

Noong nahimasmasan ay naluluha sa tuwa at nagpasalamat ito kay Basel. Bago ito umuwi ay inabutan ito ng pera ni basel para pang pansit sa kanyang kaarawan. Talaga nga naman, basta mabait ka sa kapwa ay bibiyayaan ka talaga ng Panginoon.

Post a Comment

0 Comments