Bad Boy kung tawagin sa mga pelikula, ngunit sa totoong buhay ay isang responsableng ama at asawa sa kanyang pamilya itong si Robin "Binoy" Padilla. Pero siyempre tao lang din itong si Binoy. Nagagalit, nasasaktan at kung minsan napupuno lalo na kapag pamilya na ang nasasaktan.
Sa isang post kasi ni Mariel Padilla sa kanyang instagram ay may isang netizen na nag comment ng napakatalas. Kaya naman hindi na nakatiis itong si Binoy at kanya itong nireplyan sa comment section sa instagram post ni Mariel.
Nag palitan ng maiinit na komento si Binoybat ang netizen na sinabihan si mariel na pumupunta lang ito ng U.S upang manganak lang doon. At kinuwestion pa nito kung ano na ba talaga ang nangyayari sa pilipinas. Bakit, inaano ba siya ng bansang Pilipinas? Bitter lang?
Wala naman sigurong masama kung piliin ninuman kung saan nila gustong manganak. Choice naman nila yun at 'pera' nila ang ginagamit nila.
Kaya sa galit at inis ni Robin Padilla ay kanyang hinamon ang netizen na kung may bayag ito ay sa harapan mismo ni Binoy sabihin lahat ng sinabi niya sa post. Na kahit daw umano sa Cuba ay makikipagkita itong si Robin sa kanya. Kahit saang lugar pa.
0 Comments